Kinakailangan nang magsuot ng full -face visor helmet ang mga motorcycle rider at angkas nito sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Batay ito sa naging kautusan ng National Task Force against COVID-19 na isinapubliko naman ng MMDA.
Ayon sa mmda, kailangan na abot hanggang baba ang visor o shield ng helmet at dapat na suot ito kasama ang mask sa buong biyahe.
Una nang pinayagan ang pag aangkas sa motosiklo ng walang protective barrier para sa mga magkasama sa bahay ngunit kinakailangan na essential worker o authorized persons outside of residence ang angkas ng motor.