No show si Senador Gregorio Honasan sa paglulunsad ng UNA o United Nationalist Alliance sa Cebu City.
Gayunman, nagkalat na sa Cebu Coliseum ang tarpaulin ng tambalang Bin-Go o Binay-Gringo bilang presidential at vice presidential candidates ng UNA sa 2016 elections.
Ayon kay Senador Nancy Binay, ang UNA launch sa Cebu ay para lamang sa paglahok ng mga lokal na opisyal doon sa una sa pangunguna ni Mayor Mike Rama.
Mismong si Mayor Rama ng Cebu City ang nanguna sa programa at panunumpa ng may 700 local leaders sa UNA.
Dumalo sa pagtitipon ang ilan sa mga posibleng kasama sa senatorial slate ng UNA na sina Parañaque Councilor Alma Moreno, Atty. Harry Roque at Princess Jicell Kiram.
Naroon din si dating Senador Sonny Osmeña subalit hindi pa malinaw kung muli itong tatakbong senador sa ilalim ng UNA.
Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Vice President Jejomar Binay, ang partidong UNA ang haharap sa gutom, kawalan ng trabaho at tatapos sa kriminalidad at kahirapan sa bansa.
By Len Aguirre
*Photo Credit: cnnphilippines