Pinag-iingat ng World Health Organization (WHO) ang iba pang mga bansa sa pag-eendorso sa paggamit ng plasma ng isang gumaling na coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient bilang gamot sa mga may sakit nito.
Kasunod ito ng pagpapalabas ng emergency authorization ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) laban sa COVID-19.
Ayon kay WHO Chief Scientist Soumya Swaminathan, kakaunti lamang na clinical trials para sa convalescent plasma ang nagpakita ng resulta.
Hindi rin aniya ito gaanong kapani-paniwala para mai-endorso ng bilang higit pa sa experimental therapy.
Dagdag ni Swaminathan, bagama’t ilang trials ang nagpapakita ng benepisyo, masyado pa rin itong maliit at hindi rin matibay ang mga datos nito.