Iginiit ni Finance Secretary Carlos Dominguez na dapat na gawing digitized ang pamudmod ng mga subsidiya mula sa gobyerno.
Ayon kay Dominguez, sa pamamagitan nito ay maiiwasan na magkaroon ng korupsyon sa pamimigay ng cash benefits.
Inihalimbawa ni Dominguez ang epektibong pagmamahagi ng small business wage subsidy program ng SSS sa mga benepisaryo sa pamamagitan ng bangko , money remittance center at E-wallet.
Kamakailan lamang ay inilagay sa preventive suspension ang mahigit 50 barangay official dahil sa maano-malyang distribusyon ng social amelioration program.