Inalerto na ng Philippine Red Cross ang mahigit sa 100 nitong chapters at blood facilities.
Kasunod ito ng pagsampa sa mahigit 100,000 ng kaso ng dengue, mula nitong Enero.
Ayon sa Red Cross, kanila nang inalerto ang mga pasilidad, para sa inaasahang pagdagsa ng mga mangangailangan ng dugo para sa mga tinamaan ng dengue.
Patuloy din ang pakiusap ng Red Cross sa publiko na tumulong sa mga pasyente, sa pamamagitan ng pagdo-donate ng kanilang mga dugo.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)