Kilala na ng militar ang dalawang suicide bombers na hinihinalang responsable sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.
Nasa 15 katao ng nasawi sa kambal na pagsabog kung saan pito rito ang mga sundalo.
Ayon kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, hepe ng Philippine Army, parehong babae ang suicide bomber at binigyan muna nila ang alyas habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Ang unang suicide bomber ay binigyan ng alyas na “Nanah” mula sa Basilan at asawa ni Norman Lasuca, ang kauna-unahang Pilipino na suicide bomber at isang alyas “Inda Nay” mula sa Sulu at Tawi-Tawi na asawa naman ng nasawing si Abu Talha.
UPDATE: 2 babaeng suicide bombers sa Jolo, nakilala na; binigyan muna ng alyas upang hindi masunog ang ginagawang imbestigasyon ( LtG. Sobejana’s message to media) | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/ZJ5ruxFM5U
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 26, 2020
Sinbi ni Sobejana na ang dalawang suicide bomber na babae ang tinutugis ng grupo ni Major Indammog noong araw na pagbabarilin sila ng mga pulis sa Jolo, Sulu noong ika-29 ng Hunyo.