Magsisimula nang ipatupad ang cashless at contactless toll collection sa mga expressway sa Luzon sa November 2.
Ayon kay Toll Regulatory Board Executive Director Abe Sales, kumikilos na sila upang masigurong masusunod ang department order 2020 – 012 na nagtatakda na maging cashless ang transactions sa tollway sa pamamagitan ng RFID.
Ang contactless transaction ay ipapatupad sa mga sumusunod na expressway:
- South Luzon Expressway (SLEX)
- Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX)
- North Luzon Expressway (NLEX)
- South Metro Manila Skyway
- Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway
- Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX)
- Cavite-Laguna Expressway (CALAX)
- at iba pang road networks kasama ang extension ng mga nabanggit na expressway facilities.
Sakop din ng nasabing department order ang cashless transaction sa mga public utility vehicles (PUV)’s para makaiwas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).