Umakyat pa sa 205,581 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,249 na mga bagong kaso nitong Huwebes.
Ayon sa DOH, pinakamarami sa mga bagong kaso ang naitala sa Metro Manila na umaabot sa 1,584.
Sinundan ito ng Cavite na nakapagtala ng 147 bagong kaso, Laguna na 143, Negros Occidental na 140, at Batangas na mayroong 123.
80% o katumbas ng 2,607 sa bilang ng mga bagong kaso ang nakuha lamang sa nakalipas na 14 na araw
Samantala, umakyat naman sa 133,990 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 matapos madagdagan ng 566 na mga bagong gumaling na pasyente.
Nadagdag naman ng 97 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 na pumapalo na sa kabuuang 3,234.