Nasa 731 mga kolehiyo at unibersidad ang nagsimula na ng klase sa pamamagitan ng online at blended learning ngayong Agosto.
Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera, ngayong buwan aniya ang may pinakamaraming bilang ng mga universities na nagbukas ng klase.
Samantala, sinabi ni De Vera na may karagdagan pang 186 ng mga kolehiyo at unibersidad ang inaasahang magbubukas ng klase sa Setyembre at Oktubre.
Habang nasa 80 mga pribadong unibersidad ang nakapagsimula na ng klase noong Hunyo hanggang Hulyo.
Ipinaliwanag ni De Vera na hindi angkop sa kolehiyo ang naunang pasiya ng DepEd na ilipat ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5 lalo’t may iba’t-ibang schedule ang mga pamantasan alinsunod sa umiiral nilang academic terms tulad ng semester, trimester at quartersem.