Posibleng makaranas ng La Niña phenomenon ang Pilipinas sa huling bahagi ng Setyembre o unang bahagi ng Oktubre.
Ayon sa Pagasa, nasa 60% ang tsansa na mabuo ang La Niña phenomenon sa katapusan ng Setyembre na magdadala ng mas maraming ulan kaysa sa regular.
Sinabi ng Pag-asa, posibleng tumagal ang nabanggit na weather condition hanggang Pebrero ng susunod na taon kahit matapos na ang amihan season.
Tinataya namang nasa 7 hanggang 10 pang mga sama ng panahon ang inaasahang papasok sa bansa hanggang sa unang bahagi ng susunod ng taon.