Pasok ang dalawang batang Pinay sa grand finals ng “The Voice Kids” sa United Kingdom.
Si Victoria Alsina ng Team Will.I.Am at Justine Afante ng Pixie Lott team ay kasama sa apat na magsasagupa sa dulo ng kompetisyon.
Sa semifinals, inawit ng 7-anyos na si Alsina ang “Hero” habang “One Moment In Time” naman ang binirit ng 13-anyos na si Afante.
Matatandaan na limang Filipino singers ang nakapasok sa Blind Auditions ng “The Voice Kids UK”.
Nakausad si Joshua Regala sa semifinals pero hindi ito umabot ng grand finals.