Mariing itinanggi ng aktres na si Jesse Mendiola ang tsismis na nagdadalantao siya.
Ayon kay Jesse, walang katotohanan ang balitang siya ay buntis.
Siguro aniya, malaman siya ngayon kaya’t may ilang malilikot ang pag-iisip at inuugnay na ito sa pagbubuntis.
Pabiro pang sabi ni Jesse, mas nauuna pa ngayong malaman ng ibang tao na buntis siya kaysa sa kanyang sarili.
Samantala, tinuldukan din ni Jesse ang mga isyung hiwalay na sila ng boyfriend nitong si JM de Guzman.
Binigyang diin ni Jessy na sila pa rin ni JM at masaya aniya sila sa isa’t isa.
By Ralph Obina