Pumalo na sa 213,131 ang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,637 na bagong kaso.
Sa bilang na ito, ayon sa DOH, 74,611 ang active cases kung saan 91.3% ang nakakaranas ng mild symptoms, 6.7% ang asymptomatic habang 0.8% t naman ang severe o malala.
Samantala, sumampa na sa 135,101 ang total recoveries kasunod ng paggaling ng mahigit 600 pasyente.
Maliban dito, umakyat na sa 3,419 ang bilang ng mga nasawi makaraang pumanaw ang halos isang daang COVID-19 patients.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 3,637 ngayong Sabado, Agosto 29.
Pumalo na sa kabuuang 213,131 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 74,611 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/TD7MYZNYY8
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 29, 2020