Dalawampu’t walo (28) pang Pilipino ang nakarekober mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Europa at Gitnang Silangan.
Dahil dito, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), pumalo na sa 6,123 ang total recoveries sa labas ng bansa.
Sumampa naman sa 10,067 ang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID-19 sa ibayong dagat matapos makapagtala ang DFA ng limang bagong impeksyon.
Samantala, nananatili naman sa 755 ang mga nasawi sa sakit sa hanay ng mga Pinoy abroad.