Kumpirmadong tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Bulacan Governor Daniel Fernando.
Ayon kay Fernando, kasalukuyan siyang sumasailalim sa self-quarantine.
Sinabi ng gobernador na nitong Biyernes lamang niya nalaman ang resulta ng kanyang real time reverse-transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test.
Ngunit nilinaw ng opisyal na nasa mabuti siyang kondisyon at hindi rin siya nakakaranas ng mga sintomas ng naturang sakit.