Mananatili sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan at Batangas City.
Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging press briefing kagabi, matapos namang aprubahan ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Kasamang isinailalim sa GCQ ang mga lungsod ng Bacolod at Tacloban na dating nasa modified GCQ.
Habang ibinalik sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) mula MGCQ ang Iligan City sa Northern Mindanao.
Samantala, nasa ilalim naman ng mgcq ang mga nalalabi pang lugar sa bansa.
Epektibo ang bagong palabas na community quarantine classifications sa loob ng isang buwan o mula ngayong araw hanggang ika-30 ng Setyembre.