Mariing itinanggi ng 7th Infantry Divison ng Philippine Army ang alegasyon na ilang miyembro ng komunidad ng Aeta sa San Marcelino, Zambales ang sinaktan at pinilit pakainin ng dumi ng militar.
Ayon kay Army 7th Infantry Division Public Affairs office Chief Major Amado Gutierrez, ilang mga hinihinalang rebelde na kinabibilangan ng mga menor de edad ang naaresto ng tropa ng militar noong ika-21 ng Agosto.
Ito ay matapos aniya ng naganap na engkuwentro sa pagitan ng militar at ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Lumibao, Barangay Buhawen sa kapareho ding araw.
Sinabi ni Gutierrez, kanilang nabatid na lima sa siyam na naaresto ay mga NPA na kinabibilangan ng tatlong lalaki at dalawang babae kung saan isa naman ang menor de edad.
Habang tatlo sa pa sa nalalabi ay pawang may edad lima, 10 at 12 taong gulang kasama ang tumatayong nanay ng mga ito na isa naman aniyang NPA supporter.
Binigyang diin pa ni Gutierrez, hindi inabuso o pinilit na pakain ng dumi ng tao ang mga inarestong indibiduwal at sa katunayan ay dinala pa ang mga ito sa doktor para masuri. —ulat mula kay Jaymark Dagala