Nakapagtala ng isang panibagong kaso ng Pinoy na dinapuan ng COVID-19 sa ibang bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), pumalo na sa 10,087 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 mula sa higit 70 mga bansa at rehiyon.
43 naman ang bagong mga gumaling o nakarekober sa virus, kaya’t umabot na sa kabuuang 6,220 ang total recoveries sa mga Pinoy na nasa ibayong dagat.
Sa kaparehong bulletin, nanatiling nasa 757 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.
Kasunod nito, siniguro ng DFA na kanilang tututukan ang lagay ng mga Pinoy na naapektuhan ng COVID-19.