Ikinagalak ng Palasyo ang pagbaba ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay dahil mas marami na ang nakapagtrabaho nang muling buksan ang ekonomiya ng bansa.
Subalit nakiusap ang Palasyo sa mga manggagawa na patuloy lamang sumunod sa mga itinakdang health protocol para makatiyak na makakaiwas sa COVID-19.
Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) mula 17.7% o 7.3 million na walang trabaho noong Abril nasa 10% o 4.6 million na lamang ang walang trabaho noong Hulyo kahit na nagpapatuloy ang pandemya sa COVID-19.
Nabatid na ang National Capital Region (NCR) bilang sentro ng ekonomiya ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga nawalan ng trabaho.