Nadagdagan ng 3,714 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Dahil dito, ayon sa Department of Health (DOH), umakyat na sa 232,072 ang kabuuang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa bilang na ito, halos kalahati o 1,797 ay mula sa National Capital Region (NCR).
Umakyat naman sa 160,549 ang bilang ng mga nakarekober kasunod ng paggaling ng 1,088 na mga pasyente habang sumirit na sa 3,737 ang death toll matapos pumanaw ang 49 pang COVID-19 patients.