Hinikayat ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang publiko na makiisa sa isinasagawang pagdinig ng Kamara para sa panukalang bansang pondo para sa susunod na taon.
Ito’y makaraang simulan na ng House Committee on Appropriations ang pagbusisi sa proposed budget na nagkakahalaga ng P4.5-T.
Unang sumalang sa pagdinig ang mga ahensyang nasa ilalim ng development budget coordination committee na kinabibilangan ng mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa mga ito sina Budget Sec. Wendel Avisado, Finance Sec. Carlos Dominguez, acting NEDA Dir/Gen. Karl Kendrick Chua at Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Benjamin Diokno.
Ayon kay Cayetano, maaaring makilahok ang publiko tulad ng mga mambabatas na hindi naman makadadalo sa mga pagdinig via online o sa pamamagitan ng teleconferencing apps at social media.
Plano rin aniyang gumawa ng isang hiwalay na message board at social media account para mas marami ang makalahok ang maaari nilang papasukin upang saksihan ang takbo ng pagdinig.