Asahan pa rin ang pagkakaroon ng sama ng panahon na papasok sa Pilipinas bago matapos ang taon kahit opisyal ng nagtapos ang panahon ng pag-ulan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA aabot sa 7 hanggang 12 tropical cyclones pa ang maaaring maranasan at makaapekto sa bansa.
Mahihinang pag-ulan pa rin ang paminsan-minsang mararanasan sa kabila ng pagkawala o pagtatapos ng pag-iral ng hanging habagat.
Matatandaang noong Huwebes ay inanunsiyo na ng PAGASA ang pagtatapos ng panahon ng tag-ulan at pagpasok naman ng hanging amihan na nararanasan tuwing holiday season.
By Mariboy Ysibido