Walang inaasahang malawakang pagbabakuna ang World Health Organization (WHO) para sa COVID-19 hanggang sa kalagitnaan ng susunod na taon.
Ayon sa WHO, kinakailangan kasi ng mas mahabang panahon para sa mga clinical trial upang masiguro ang pagiging epektibo nito.
Iba’t-ibang pamahalaan na sa buong mundo kabilang na ang Pilipinas sa nagbukas ng kanilang pintuan para sa clinical trial sa sandaling ilabas na sa merkado ang mga nasabing bakuna.