Walang “foul play” sa pagkamatay ni dating Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog.
Ito’y ayon kay Philippine National Police Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac makaraang matuklasan ng mga imbestigador na cardiac arrest ang sanhi ng pagpanaw ng dating konsehal at wala rin naman aniyang nakitang “sign of violence” sa selda kung saan nakitang wala nang buhay ang biktima.
Matatandaang dinala sa Ozamiz si Parojinog mula sa PNP Custodial Center sa Quezon City para dumalo sa pagdinig ng kanyang mga kasong kriminal sa nabanggit na lungsod.
Binanggit din ni Banac na maglalabas ng investigation report ukol dito ang pulisya sa susunod na linggo.