Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tourism department na palakasin ang ugnayan nito sa mga lokal na pamahalaan.
Ito’y para matiyak na masusunod pa rin ang quarantine protocols sa sandaling buksan na muling mabuksan ang turismo sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, pumayag na si Pangulong Duterte na unti-unting ibalik ang turismo bilang paunang hakbang ng pagbuhay muli sa ekonomiya.
Ginawa ng Pangulo ang pagpapasya makaraang isailalim ang maraming lungsod at lalawigan sa modified general community quarantine (MGCQ) mula Setyembre 1 hanggang 30.
Unang pinagsisikapang buksan ng Department of Tourism ang Baguio City gayundin ang iba pang lugar sa Cordillera tulad ng Mountain Province, Benguet, Ifugao at Kalinga.