Panahon na upang tutukan ang pag-upgrade sa lalong madaling panahon ng information technology system ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito’y ayon kay Sen. Sonny Angara ay para ma-digitize na ang lahat ng records ng PhilHealth at madaling ma-validate ang mga claims dito.
Binigyang diin ni Angara na sa pagpapahusay ng it system ng PhilHealth, tiyak na magiging epektibo na ang mga mekanismo upang tuluyang labanan ang katiwalian sa ahensya.
Una rito, iminungkahi na rin ni Angara na isailalim sa special audit gayundin ay palakasin ang manpower ng PhilHealth tulad ng medical reviewers, anti-fraud officers, data scientists, data analytics personnel at mga eksperto sa intelligence at big data.