Bukas ng muli ang Tagaytay City para sa mga turistang nais magpunta rito simula nitong Sabado, Setyrembre a-5.
Ito ang inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Tagaytay City matapos na maisailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong Cavite.
Ayon kay Tagaytay City Administrator Gregorio Monreal, hindi naman aniya nila mapipigilan ang mga turistang gustong magtungo sa siyudad.
Gayunman, kinakailangan pa rin ang mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad na minimum health standards sa lungsod kabilang na ang physical distancing at pagsusuot ng face masks.
Sinabi ni Monreal, mananatili rin ang mga inilagay na checkpoints papasok ng Tagaytay.
Bagama’t hindi rin nila oobligahin ang mga turista na kumuha ng travel pass, kailangan namang mag-fill out ng mga health declaration forms.