Tinawag na insensitive ni Vice President Leni Robredo ang hakbang ng Department of Environment And Natural Resources (DENR).
Ito’y kaugnay sa paglalagay ng dolomite rocks sa baybayin ng manila bay upang magmukha itong white sand na ginastusan ng P389 milyong.
Sa kaniyang programa sa radyo, sinabi ni Robredo na nakapanghihinayang aniya ang ginastos ng gubyerno para sa nasabing proyekto gayung kakayanin na sana nito na matulungan ang may 800,000 mahihirap na Pilipino na apektado ng pandemya.
Tinuligsa rin ng bise presidente ang timing ng DENR sa pagpapaganda sa manila bay gayung karamihan sa mga Pilipino ay mas hinihikayat na manatili sa bahay upang hindi tamaan ng virus.