Inaasahang lalagdaan na ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw ang panukalang Bayanihan To Recover As One Act kung saan nakapaloob ang P165 billion COVID-19 relief package.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque kinukonsulta na ng Palasyo ang mga ahensya ng gobyerno hinggil sa laman ng panukalang Bayanihan 2 na una nang iniendorso ng Pangulo sa kongreso.
Matapos ratipikahan ng Senado at Kamara noong isang buwan nakasaad sa panukala ang pagbibigay ng P50-B sa government financial institutions tulad ng Landbank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, Philippine Guarantee Corporation at Small Business Corporation para sa kaukulang loan sa mga sektor na apektado ng COVID-19 pandemic.
Bibigyan din batay sa panukala ng lima hanggang 8,000 ang mga pamilyang mababa ang kita sa mga lugar na naka-lockdown, OFW’s at maging displaced workers.
Naglaan din ng P13.5-B para sa health related responses 4-B para sa tourism industry at 3-B bilang cask for work programs at ayuda sa displaced workers.