Naka-self isolate na si Presidential Spokesman Harry Roque.
Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang isa sa security detail ni Roque.
Sinabi ni Roque na wala naman siyang nararamdamang sintomas subalit kailangan pa rin aniya niyang sumunod sa protocol.
Kahit naka-self isolate tiniyak ni Roque na tuloy ang kaniyang trabaho.