Magmumula sa 10 barangay sa bansa na nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga tatanggap ng bakuna sa ilalim ng Solidarity Trial World Health Organization (WHO).
Ipinabatid ito ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña batay na rin sa inaprubahang resolusyon ng IATF.
Ayon kay Dela Peña 1,000 katao kada barangay na mayruong pinakamataas na kaso ng COVID-19 ang kuwalipikadong sumalang sa Solidarity Trials.
Sinabi ni Dela Peña na ang independent clinical trials ng mga pribadong kumpanya ay itatalaga sa trial zones para sa pantay at makatuwirang pamamahagi ng bakuna para maiwasan ang kumpetisyon sa recruitment ng mga isasalang sa trial.