Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III na huwag magbitiw sa puwesto.
Ito sa kabila ng kaliwa’t kanang kontrobersiyang ibinabato laban sa kalihim.
Sa kanyang press briefing sa Malacañang, inihayag ni Pangulong Duterte ang pananatili ng kanyang buong tiwala kay Duque.
Ayon kay Pangulong Duterte, kinakailangan lamang ipagpatuloy ng kalihim na gampanan ang kanyang mga tungkulin sa kabila ng mga isinasagawang imbestigasyon laban dito
Aniya, walang dapat ikatakot ang kalihim kung hindi naman ito guilty sa korapsyon.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, maging siya ay nagkakaroon din ng kapabayaan sa tungkulin lalo na kung malaking organisasyon ang hinahawakan.
Kasunod nito, hindi naman napigilan ni Duque na magpahayag ng pagkadismaya sa rekomendasyong kasuhan siya dahil sa mga umano’y anomalya sa PhilHealth kabilang na ang pagpalabas ng pondo sa interim reimbursement mechanism.