Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasiyang bigyan ng absolute pardon si U.S. Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na nahatulan dahil sa pagpatay sa transgender woman na si Jennifer Laude.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi naging patas ang pagtrato kay Pemberton sa usapin ng pagbilang sa good conduct time allowance nito.
Sinabi ng pangulo, hindi kasi aniya maayos na namonitor ng mga awtoridad ang ikinilos o naging asal ni Pemberton habang ito ay nakakulong.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, tapos na rin ang pagkuwenta sa good conduct time allowance ni Pemberton kung saan inirekomenda na ang maagang pagpapalaya dito.
Iginiit naman ng pangulo na wala siyang pinapanigan sa kampo man ni Pemberton o pamilya Laude sa kanyang naging desisyon.