Pinag-aaralan ng Department of Budget and Management ang posibleng pananagutang legal ng isang kumpanyang nakakuha ng kontrata sa gobyerno para sa pagbili ng personal protective equipment (PPE).
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na iniimbesatigahan na ng DBM kung iisa lamang ang may-ari ng Ferjan Healthlink Enterprises at Ferjan Healthlink Philippines Incorporated.
Nabatid na ang Ferjan Healthlink Enterprises ay blacklisted na sa DBM samantalang ang Ferjan Healthlink Philippines Incorporated naman ang nakakuha ng kontrata sa PPE.
Ayon kay Roque, maaaring makansela ang kontrata kapag napatunayang iisa lamang ang may-ari ng mga nasabing kumpanya.
Hindi na aniya dapat sumasali sa mga bidding process sa mga proyekto sa gobyerno kapag blacklisted na ang isang kumpanya