Binuksang muli ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon nito ukol sa reklamong kinakaharap ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III hinggil sa paglabag nito sa quarantine protocols kontra sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Assistant State Prosecutor Wendell Bendoval, muli niyang pinag-utos ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa kaso.
Dagdag pa ni Bendoval, naisumite na ng National Bureau of Investigation (NBI) noong ika-4 ng Setyembre ang memorandum sa ginawa nitong hiwalay na imbestigasyon sa insidente na naganap sa Makati Medical Center.
Magugunitang nagpunta si Pimentel sa naturang ospital para masamahan ang buntis na asawa, kahit pa ito’y positibo sa COVID-19.