Itinanggi ng Malacañang na mayroong alokasyon na lump sum sa panukalang P4.5-trilyong national budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inihanda ng executive department ang budget alinsunod sa kautusan ng Korte Suprema kaugnay ng paggamit sa pondo ng taumbayan.
Iginiit ni Roque, walang lump sum appropriations proposed 2021 budget kung saan tinukoy ang mga proyektong paggagmitan ng mga ito.
Sa kabila nito, sinabi ni Roque na kanila ring ipinauubaya sa mababa at mataas na kapulungan ng kongreso ang pagbusisi sa panukalang national budget sa susunod na taon.
Magugunitang sa budget hearig ng senado, sinita ni Senador Panfilo Lacson ang nasa P469-bilyong halaga ng pondo na hindi naka-itemized at nagkaroon ng reappropriations.