Lalo pang palalakasin ng mga law enforcement agencies ng pamahalaan ang ugnayan nito sa taumbayan para supilin ang mga lumalabag sa quarantine protocols.
Kaya naman lumikha ang Joint Task Force COVID-19 Shield ng kanilang facebook account upang tumanggap ng mga reklamo para sa mga pasaway na pilit lumalabag sa mga alituntunin ng pamahalaan.
Ayon kay Task Force Commander P/Ltg. Guillermo Eleazar, sa pamamagitan nito, makakatuwang nila ang netizens sa pagbabantay gayundin sa pangangalaga sa kani – kanilang komunidad.
Dagdag pa ni Eleazar, karamihan kasi sa mga pasaway ay ibinabalandra pa ang kanilang mga larawan sa social media tulad ng mass gathering, pagsusugal at pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar na mahigpit na ipinagbabawal.
I-tag niyo lang po ang COVID Shield facebook page para sa mga larawan at mga video na inyong nakuna na mga violations sa quarantine rules o kaya naman ay pwedeng i-send sa COVID Shield messenger, makakaasa ang ating mga anonymous tipsirs na mananatiling sikreto and inyong identity. The fight to protect yourself, your family, your community and our country from COVID-19 is a responsibility of every Pilipino, let us work together to make it happen,” ani Eleazar.