Panahon na umano para mag-move on ang mga kritiko ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ito ang inihayag pamangkin ng yumaong dating Pangulo na si Ilocos Norte Rep. Angelo Marcos Barba.
Si Barba ay siya ring may-akda ng panukalang gawing regular holiday sa Ilocos Norte ang kapanganakan ng yumaong diktador na ipinagdiwang kahapon, Setyembre 11.
Una nang pinagtibay ng Kamara ang bersyon nito ng panukala at hinihintay na lamang nila ang pagpasa ng counterpart bill nito sa Senado.
Magugunitang mariing tinututulan ng Makabayan Bloc sa Kamara ang pagpasa sa nasabing panukala sa paniniwalang isa itong lantarang pagyurak umano sa madilim na kasaysayan ng Pilipinas sa ilalim ng rehimen ng yumaong diktador.