Mananatili sa bilangguan si Ret. Maj/Gen. Jovito Palparan.
Ito ang binigayang diin ng Malakaniyang kasunod ng iginawad na absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte kay US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaari namang makalaya si Palparan kung mabibigyan ito ng Executive Clemency o ‘di kaya’y ng kaparehong pardon na iginawad kay Pemberton.
Iginiit ni Roque na mayroong matibay na batayan ang korte para parusahan ng habang buhay na pagkakakulong si Palparan.
Magugunitang si palparan ang itinuturong nasa likod ng pagkawala ng dalawang estudyante ng unibersidad ng Pilipinas na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno nuong 2006.