Nais dagdagan ng Department of Agriculture (DA) ang buffer stock level ng bigas sa bansa.
Ito ang dahilan ayon kay Agriculture Sec. William Dar kaya’t inirekumenda niyang magkaroon ng dalawang buwang buffer stock ang Pilipinas.
Layon nito na matiyak ang food security ng bansa sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.
Dahil dito, naglaan ang DA ng P3-B para sa rice farmers financial subsidy at P10-B naman para sa rice competitiveness enhancement fund (RCEF).
Mandato ng RCEF na tulungan ang mga lokal na magsasaka na mapabuti ang kanilang kabuhayan salig sa rice tariffication law.
Magmumula ang pondo ng nasabing programa sa tarrif collection mula sa rice imports.