Pinanindigan ng Kagawaran ng Edukasyon ang naunang pasya nito na hindi magpatupad ng academic freeze sa paparating na school year.
Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, hindi aniya pupwedeng maantala ang pag-aaral ng mga bata dahil panigurado aniya silang mahuhuli sa mga aralin.
Kasabay nito, batay sa datos ng Kagawaran ng Edukasyon, 80% nang handa ang kagawaran sa nalalapit na pagbubukas ng mga klase sa bansa sa Oktubre 5.
Habang 24 na milyong mag-aaral na ang nakapag-enroll sa mga paaralan sa bansa.
Magugunitang nanawagan ng academic freeze o paghihinto ng pagsasagawa ng klase ang ilang grupo dahil na rin sa nagpapatuloy na banta ng pandemya.