Makabubuting dagdagan na lamang ng Department of Transportation (DOTr) ang mga bumibiyaheng sasakyan .
Ito ang binigyang diin ni Alliance Of Concerned Transport Organization (ACTO) President Efren De Luna makaraang bawasan ng DOTr ang distansya ng mga pasahero sa pampublikong sasakyan
Ayon kay De Luna, marami sa mga operator at tsuper na umaasang papayagan na silang makabiyahe para mas maraming pasahero ang kanilang mapagsilbihan.
Sinang-ayunan naman ito ni Dr. Anthony Leachon sa panayam ng DWIZ na nagsabing tiyak na maglalabo-labo ang mga polisiyang ipinatutupad ng pamahalaan dahil sa naging pasya na ito ng DOTr.
Magbangga-bangga iyan sa guidelines ng DOH kasi sasabihin ng DOH dapat may 1-meter distance at local government units sa DILG. Kita niyo nga hinihiwalay ang mga positive dadalhin sa isolation facilities kasi kung maliliit ang bahay mo so maghahawaan kayo. [This will contradict the protocols] the DOTR mandate to lessen the 1-meter protocol but sa DILG nga sabi ni Secretary Año na ii-ban niya ang home quaratine oh diba magkokontra ‘yun? ani Leachon
Binigyang diin ni Leachon na walang ibang mabisang solusyon upang mapababa ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung hindi ang tamang disiplina sa sarili.
Kahit tayo naka-GCQ or modified GCQ maluwag pero ang pagtanaw sa sarili natin ay parang naka-ECQ ka. Kung hindi mo kailangan magbiyahe edi huwag kang magbiyahe. Naiitindihan natin kasi mataas ang employment rate. Pero sana hindi pinakialaman ‘yung social distancing. They can increase the transportation units like for example LRT, MRT, jeep at bus. Wala naman problema doon pero kapag pinakialaman ‘yung isa nagde-defend sa proteksyon mo makakaproblema ka diyan. ani Leachon