Gagawing prayoridad sa mga programa at proyekto ng gobyerno ang mga gawang Pinoy o locally-made products upang matulungan ang mga lokal na industriya na pinakamatinding tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ang pahayag ay ginawa ni Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Bayanihan to Recover as One Act” o “Bayanihan 2”.
Nakasaad aniya sa procurement provisions ng batas na dapat unahin ang mga produktong sariling atin, kabilang ang mga construction materials na gagamitin sa mga infrastructure projects ng pamahalaan.
Ayon kay Nograles, mahalagang tutukan ang kalagayan ng mga maliliit na negosyo upang maisalba ang trabaho ng mga manggagawa at maibangon ang ekonomiya ng bansa.