Isiniwalat sa isang investigative report ang tunay na sitwasyon ng power system sa Iloilo City, inilabas ng Publishers’ Association of the Philippines (PAPI), ang pinakamalaking media group sa bansa na kinabibilangan ng mga publishers, hinimay sa nasabing report ang pang-aabuso ng power supplier na Panay Electric Company (PECO) gayundin ang pagbabago na sa lungsod matapos ang pagbagsak ng mahigit 96 taong operasyon nito.
Ayon kay PAPI President Nelson Santos, bilang tagapagtaguyod sa pamamahagi ng katotohanan na 45 taon nang ginagawa ng PAPI ay responsibildad nitong isiwalat ang tunay na pangyayari sa Iloilo City Electric Power, kaya naman inilabas nila ang investigative report na nagdedetalye simula ng pamamayagpag ng PECO, naging pagpapabaya at tuluyan nitong pagbagsak makalipas ang ilang dekada.
We took interest on the issue because it involves the interest and welfare of Ilonggo power consumers, which is really the most affected sector in this controversy. We looked at the issue and knew right away that we need to do something to ferret out the truth regarding this matter,” paliwanag ni Santos.
Aminado si Santos na sa dami ng propaganda na inilabas ng PECO mula nang matanggalan ito ng prangkisa ay nagdudulot na ito ng kalituhan sa publiko kaya naman minabuti nilang talakayin ang isyu at isinulat ang pangyayari alinsunud sa tunay at totoong nangyari.
We, as publishers whose main product is truth, we can’t just sit idly amidst the controversy. We have to know the truth, we have to deliver the truth,” paliwanag ni Santos na miyembro ng Presidential Task Force on Media Security.
Umaasa si Santos na sa pamamagitan ng kanilang isinulat na komprehensibong report sa power situation sa Iloilo City ay makatutulong ito sa 65,000 power consumers ng lungsod para makuha ang tamang impormasyon at mabigyang linaw ang mga isyu sa harap na rin ng mga lumalabas na mga propaganda.
Kabilang sa tinalakay sa investigative report ng PAPI ay ang kontrobersiyal na isyu ng PECO sa overbilling, regular na nararanasang power interruption, kabiguan nitong mag-upgrade ng kanilang pasildad sa kabila ng hindi nalulugi ang kumpanya at may mga milyong bonuses na ibinibigay sa mga opisyal nito at ang hindi pagbabayad ng tax.
Hinimay din ng PAPI sa investigative report ang naging basehan sa pagkansela ng Kongreso sa legislative franchise ng PECO at ang pagsasampa nito ng ibat ibang kaso sa korte at Energy Regulatory Commission (ERC) para mapigilan ang pag-ooperate ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp (MORE Power).
Kasama din sa naturang report ang naging takbo ng operasyon ng More Power mula nang magtake over ito bilang power supplier ng Iloilo City noong Pebrero 2020 at ang mga nagawa na nito sa loob ng maikling panahon.