Sumirit na sa 265, 888 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ayon sa Department of Health (DOH) ay matapos maitala ang 4, 699 na bagong kaso ng virus.
Nangunguna pa rin sa nakapagtala ng mataas na bagong kaso ng COVID-19 ang Metro Manila na nasa 1, 498 , Cavite – 221, Bataan – 198, Bulacan – 185 at Batangas – 176.
Sinabi ng DOH na 87 porsyento o 4, 090 ng mga bagong kaso ng COVID-19 ay nakuha sa nakalipas na 14 na araw.
Pumapalo naman sa 207, 504 ang total recoveries matapos maitala ang 249 ang bilang ng mga bagong gumaling mula sa COVID-19.
Umakyat na sa 4, 630 ang death toll kung saan nasa 259 ang mga bagong nasawi na itinuturing na record high.
Nasa 53, 754 ang active cases kung saan 88. 4 percent dito ay mild, 8.2% ang asymptomatic, 1.3% ang severe at 2.1% ang nasa critical condition.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 4,699 ngayong Lunes, Setyembre 14.
Pumalo na sa kabuuang 265,888 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 53,754 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/6ikLOuJGBB
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 14, 2020