Inihayag ng pamunuan ng Pasig City General Hospital na bukas sila sa pagtanggap ng mga aplikante para sa Residency Training.
Ani Pasig City Mayor Vico Sotto, ang mga aplikante sa naturang posisyon ay sasailalim sa apat na taong pagsasanay sa emergency medicine sa pamamagitan ng emergency medicine and acute care department ng naturang pagamutan.
Paliwanag pa ni Sotto, pupwede ring mag-apply ang mga kukuha pa lamang ng physician licensure examination ngayong buwan hanggang sa Nobyembre.
Kasunod nito, itinakda ang deadline ng mga aplikante sa unang batch nito sa katapusan ng Setyembre habang ang ikalawang batch naman ay sa katapusan ng Nobyembre.