Mariing tinutulan ng Commission on Higher Education (CHED) ang panukalang “academic freeze” ngayong school year bunsod ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay CHED Executive Director Cinderella Jaro, posibleng lumitaw ang naturang panukala dahil sa “misconception” na nakafocus lang ang kagawaran sa tinatawag na online learning.
Ngunit nilinaw ni Jaro na ang isinusulong ng CHED ay ang “flexible learning” kung saan kabilang ang online, offline at blended learning.
Binigyang diin ni Jaro na ito ay dumaan sa konsultasyon kasama ang mga stakeholders, higher education institutions, mga estudyante at eksperto.
Sa ilalim umano ng “flexible learning” ay maaaring mamili ang mga institusyon sa online, offline at blended depende sa kakayahan ng mga estuydante at sa kung ano ang mas magiging epektibo sa mga ito.