Nanawagan ang grupo ng mga guro sa pamahalaan na taasan ang pondo ng Department of Education (DepEd) para sa susunod na taon.
Nagtipon sa harap ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City ang Allianced of Concerned Teachers (ACT) kung saan kanilang inihayag ang sentimyento kaugnay sa pondong ilalaan sa nasabing ahensya.
Ayon sa grupo, malaking bagay kung madadagdagan ang pondo ng DepEd para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at lahat ng kawani ng mga paaralan.
Binigyang diin ni ACT Secretary General Raymond Basilio na sa kabila ng pagsusulong sa new normal, nananatili pa ring kulang ang inilalaang pondo sa edukasyon na isa mga lubos aniyang naapektuhan ng pandemya.
Naglaan lamang ang gobyerno ng P60. 5 billion sa ipinanukalang P4.5 trillion para 2021 budget ng DepEd.