Naniniwala si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na haharap pa sa parusa si U.S. Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa Estados Unidos.
Ito ang naging reaksyon ni Locsin sa napaulat na umano’y pagdaan pa rin ni Pemberton sa court martial sa U.S.
Sa tweet ni Locsin, binanggit nito ang “the American way” at inalala pa ang sinapit na parusa ng isang U.S. Navy noon na nasangkot sa pagkasira ng coral reef sa Tubbataha Reef noong 2013.
Si Pemberton ay tuluyan nang nakalaya at nakabalik ng Amerika matapos gawaran ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.