Pumalo na sa kabuuang 7,890 ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang natulungan ng Overseas Workers Welfare Administration na makauwi sa kani-kanilang probinsya sa Region 2.
Sa datos ng OWWA Region 2, ang naturang bilang ng mga nakauwing OFWs sa rehiyon ay natulungan sa pamamagitan ng ‘Uwian na Program’ ng ahensya.
Mababatid na 3,514 na mga OFWs ang napauwi sa Isabela, 2,457 OFWs naman ang nakauwi na sa Cagayan, habang ang nalalabing mga OFWs ay umuwi sa kanilang mga kabahayan sa Nueva Vizcaya, Quirino, at Batanes.
Kasunod nito, tiniyak ng pamunuan ng OWWA na isinailalim nila ang mga napauwing OFWs sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing at quarantine bago pinahintulutang makauwi sa kani-kanilang probinsya.